Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 19:28-40

Ang Matagumpay na Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem

28 Pagkatapos magkuwento ni Hesus, nagpatuloy siya sa paglalakad at nanguna sa kanila papuntang . 29 Nang malapit na sila sa mga nayon ng Betfage at , sa bundok na kung tawagin ay Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawa niyang alagad. 30 Sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo sa susunod na nayon. Pagpasok nʼyo roon, makikita ninyo ang isang bisirong nakatali. Hindi pa ito nasasakyan ng kahit sino. Kalagan ninyo at dalhin dito. 31 Kung may magtanong kung bakit ninyo kinakalagan ang asno, sabihin ninyong kailangan ito ng Panginoon."

32 Kaya lumakad ang dalawang inutusan, at nakakita nga sila ng asno ayon sa sinabi ni Hesus. 33 Nang kinakalagan na nila ang asno, tinanong sila ng mga may-ari, "Bakit ninyo kinakalagan iyan?"

34 Sumagot sila, "Kailangan ito ng Panginoon."

35 Dinala nila ang asno kay Hesus, at isinapin nila ang kanilang mga balabal nila sa likod ng asno at pinasakay si Hesus. 36 Habang nakasakay siya sa asno, inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal sa dadaanan niya.

37 Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng alagad niya at nagpuri nang malakas sa Diyos dahil sa mga himalang nasaksihan nila. 38 Sinabi nila,

"Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!"19:38 Salmo 118:26.

"Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan."

39 Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, "Guro, sawayin mo ang mga alagad mo."

40 Ngunit sinagot sila ni Hesus, "Sinasabi ko sa inyo: Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri."

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betânia
Hoje: Al Eizariya
ΒηθανίαBēthania
Betânia é o povoado de Lázaro, de Maria e de sua irmã Marta, a cerca de quinze estádios de Jerusalém; Jesus passou ali a noite e esteve na casa de Simão, o leproso (João 11:1).
31,77° N, 35,26° L
Citado em 12 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.