Ang Pagmamalasakit ni Hesus sa Templo
45 Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at pinagtataboy niya ang mga nagtitinda roon. 46 Sinabi niya sa kanila, "Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’19:46 Isa. 56:7. Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan!19:46 Jer. 7:11."
47 Nagtuturo si Hesus sa templo araw-araw, habang pinagsisikapan naman ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ng mga pinuno ng bayan na patayin siya. 48 Ngunit wala silang makitang paraan upang maisagawa ito dahil nakikinig nang mabuti ang mga tao sa mga itinuturo niya.