Kinuwestiyon ang Awtoridad ni Hesus
1 Isang araw, habang nangangaral ng Magandang Balita si Hesus sa mga tao sa Templo, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Hudyo. 2 Sinabi nila sa kanya, "Sabihin mo nga sa amin kung ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito. Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?"
3 Sinagot sila ni Hesus, "Tatanungin ko rin kayo. Sabihin ninyo sa akin, 4 kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa Diyos20:4 sa Diyos: Sa literal, sa langit. ba o sa tao?"
5 Nag-usap-usap sila, "Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’ 6 Ngunit kung sasabihin nating mula sa tao, babatuhin tayo ng mga tao, dahil naniniwala silang si Juan ay propeta ng Diyos."
7 Kaya sumagot sila, "Hindi namin alam."
8 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito."