Ang Katanungan tungkol sa Pagbabayad ng Buwis
20 Kaya naghintay na lang sila ng ibang pagkakataon. Nagsugo sila ng mga espiya na magpapanggap na mabuti ang layunin nila sa pagpunta kay Hesus upang hulihin siya sa mga pananalita niya at maisakdal sa gobernador. 21 Sinabi ng mga espiya kay Hesus, "Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi at itinuturo ninyo. At wala kayong pinapaboran. Sa halip ay itinuturo ninyo kung ano ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. 22 Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma20:22 Emperador ng Roma: Sa literal, Cesar. o hindi?"
23 Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya, 24 "Patingin nga ng pera20:24 pera: Sa literal, denarius, na pera ng mga Romano.. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?"
Sumagot sila, "Sa Emperador."
25 Sinabi ni Hesus, "Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos."
26 Nabigo ang mga espiya sa pakay nilang mabitag si Hesus sa kanyang pananalita sa harapan ng mga tao. At dahil namangha sila sa kanyang sagot, tumahimik na lang sila.