22 Sabihin nʼyo po, nararapat po ba na magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma20:22 Emperador ng Roma: Sa literal, Cesar. o hindi?"
23 Ngunit alam ni Hesus ang katusuhan nila, kaya sinabi niya, 24 "Patingin nga ng pera20:24 pera: Sa literal, denarius, na pera ng mga Romano.. Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit dito?"
Sumagot sila, "Sa Emperador."
25 Sinabi ni Hesus, "Kung ganoon, ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos."