Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 20:9-19

Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Magsasaka

9 Pagkatapos noon, ikinuwento ni Hesus sa mga tao ang talinghagang ito: "May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pagkatapos, pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta sa malayong lugar, at nanatili roon nang matagal. 10 Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, pinapunta niya ang isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan upang kunin ang parte niya. Ngunit binugbog ng mga magsasaka ang alipin at pinaalis na walang dala. 11 Nagpadala ulit ang may-ari ng isa pang alipin, pero binugbog din nila at hiniya, at pinaalis na wala ring dala. 12 Nagsugo ulit siya ng ikatlong alipin, pero sinaktan din nila ito at pinalayas.

13 "Nag-isip ang may-ari ng ubasan, ‘Ano kaya ang gagawin ko? Ah, alam ko na! Papupuntahin ko sa kanila ang minamahal kong anak. Siguro naman ay igagalang nila siya.’

14 "Ngunit nang makita ng mga magsasaka ang anak niya, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapasaatin ang lupang mamanahin niya.’ 15 Kaya dinala nila ito sa labas ng ubasan at pinatay.

"Ngayon, ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? 16 Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan."

Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, "Huwag sanang ipahintulot ng Diyos na mangyari ito!"

17 Tiningnan sila ni Hesus at tinanong, "Ano ba ang ibig sabihin ng talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong tinanggihan ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong pundasyon.’20:17 Salmo 118:22.

18 Ang sinumang mahulog sa batong ito ay magkakabali-bali, ngunit ang mahulugan nito ay madudurog."

19 Nang mapansin ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga namamahalang pari na sila ang pinatatamaan ni Hesus sa talinghagang iyon, sinubukan nilang dakpin siya noon din, ngunit hindi nila ito nagawa dahil natakot sila sa mga tao.

Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.