Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 23

40 Ngunit sinaway siya ng isa pang kriminal na nakapako, "Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw man ay pinaparusahan din ng kamatayan. 41 Dapat lang na parusahan tayo ng kamatayan dahil sa mga ginawa nating kasalanan, pero ang taong itoʼy walang ginawang masama!"

42 Pagkatapos ay sinabi niya, "Hesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo."

43 Sumagot si Hesus, "Sasabihin ko sa iyo ang totoo, ngayon din ay makakasama kita sa Paraiso."

Veja também