11 Sumagot siya, "Kung mayroon kayong dalawang damit, ibigay ninyo ang isa sa taong walang damit. At kung may pagkain kayo, magbigay kayo sa mga walang makain."
13 Sumagot si Juan, "Huwag kayong maningil nang higit sa inutos sa inyo!"
14 May mga sundalo ring nagtanong sa kanya, "Kami naman po, ano ang dapat naming gawin?"
Sumagot siya, "Huwag kayong mangingikil kaninuman o magpaparatang ng hindi totoo para lang magkapera. Makontento kayo sa mga sahod ninyo!"