Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 4:38-41

OASD Ang Salita ng Diyos

Maraming Pinagaling si Hesus

38 Umalis si Hesus sa sinagoga at pumunta sa bahay ni . Mataas noon ang lagnat ng biyenang babae ni , kaya nakiusap sila kay Hesus na pagalingin siya. 39 Tumayo si Hesus sa tabi ng maysakit at inutusan ang lagnat na umalis, at nawala ito. Kaagad na bumangon ang babae at pinagsilbihan sina Hesus.

40 Nang palubog na ang araw, dinala ng mga tao kay Hesus ang kanilang mga maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Ipinatong ni Hesus ang mga kamay niya sa bawat isa sa kanila at gumaling silang lahat. 41 Lumabas din ang mga demonyo sa mga taong sinapian habang sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" Ngunit sinaway sila ni Hesus at pinagbawalang magsalita, dahil alam nilang siya ang Mesias.

Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    38 At siya’y nagtindig sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya’y kanilang ipinamanhik sa kaniya.

    39 At tinunghan niya siya, at sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya’y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.

    40 At nang lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa’t isa sa kanila, at sila’y pinagaling.

    41 At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka’t naalaman nilang siya ang Cristo.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.