Pumili si Hesus ng Labindalawang Apostol
12 Nang panahong iyon, pumunta si Hesus sa bundok at magdamag na nanalangin sa Diyos. 13 Kinaumagahan, tinawag niya ang mga alagad niya at pumili siya ng labindalawa mula sa kanila, na tinawag niyang mga apostol.
14 Ito ay sina Simon (na tinawag niyang Pedro), at Andres na kapatid nito,
sina Santiago at Juan,
sina Felipe, Bartolome,
15 Mateo, Tomas,
Santiago na anak ni Alfeo,
Simon na makabayan6:15 makabayan: Si Simon ay naging kabilang sa grupo ng mga Hudyong lumalaban sa mga taga-Roma.,
16 Judas na anak ng isa pang Santiago,
at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Hesus.