Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 6:37,38,41,42

OASD Ang Salita ng Diyos

Huwag Husgahan ang Kapwa

37 "Huwag kayong manghusga upang hindi rin kayo husgahan. Huwag kayong humatol upang hindi rin kayo hatulan. Magpatawad kayo upang patawarin din kayo. 38 Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."6:38 Sapagkat … sa inyo: Sa literal, Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring panukat na gagamitin sa inyo.

41 "Bakit mo pinupuna ang puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman napapansin ang trosong nasa sarili mong mata? 42 Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nakikita ang troso sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang sa gayoʼy makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    37 At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo’y palalayain:

    38 Mangagbigay kayo, at kayo’y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka’t sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.

    41 At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa’t hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?

    42 O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo’y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.