Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 6:6-11

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay

6 Noong isa pang Araw ng Pamamahinga, pumasok si Hesus sa sinagoga at nagturo. May isang lalaki roon na paralisado ang kanang kamay. 7 Binantayang mabuti ng mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga Pariseo si Hesus kung magpapagaling siya sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 8 Ngunit alam niya ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa lalaking paralisado ang kamay, "Halika, tumayo ka rito sa harapan." Lumapit nga ito at tumayo roon.

9 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Tatanungin ko kayo. Alin ba ang ipinapahintulot sa Kautusan sa Araw ng Pamamahinga: ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?"

10 Tiningnan niya silang lahat, at sinabi sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at gumaling ito. 11 Ngunit nagngitngit sa galit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan, kaya pinag-usapan nila kung ano ang dapat gawin kay Hesus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    6 At nangyari nang ibang sabbath, na siya’y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo’y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.

    7 At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya’y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya’y maisakdal.

    8 Datapuwa’t nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya’y nagtindig at tumayo.

    9 At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?

    10 At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.

    11 Datapuwa’t sila’y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.