Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 7

24 Nang makaalis na ang mga taong inutusan ni Juan, nagtanong si Hesus sa mga tao tungkol kay Juan, "Noong pumunta kayo kay Juan sa ilang, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong tulad ng tambo na hinihipan ng hangin? 25 Kung hindi, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang taong nakasuot ng magarang damit? Ang mga taong nakasuot ng magagarang damit at namumuhay nang marangya ay matatagpuan sa palasyo. 26 Kung ganoon, ano ang inaasahan ninyong makita? Isang propeta? Totoo, isa nga siyang propeta. At sinasabi ko sa inyo, higit pa siya sa isang propeta. 27 Siya ang tinutukoy sa Kasulatan:

Ipapadala ko ang aking mensahero.

Mauuna siya sa iyo

upang ihanda ang dadaanan mo.7:27 Mal. 3:1.

28 Sinasabi ko sa inyo, walang taong isinilang na mas dakila pa kay Juan. Ngunit ang pinakahamak sa mga taong kabilang sa kaharian ng Diyos ay mas dakila pa sa kanya."

29 Nang marinig ng mga tao, pati ng mga maniningil ng buwis, ang pangangaral ni Hesus, sumang-ayon sila na matuwid ang layunin ng Diyos, dahil nagpabautismo sila kay Juan. 30 Ngunit ang mga Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa buhay nila, dahil hindi sila nagpabautismo kay Juan.

Veja também