Ang Ina at mga Kapatid ni Hesus
19 Ngayon, pinuntahan si Hesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya may nagsabi kay Hesus, "Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita."
21 Sumagot si Hesus, "Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Diyos ang aking ina at mga kapatid."