Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 8:22-25

OASD Ang Salita ng Diyos

Pinatigil ni Hesus ang Bagyo

22 Isang araw, sumakay ng bangka si Hesus kasama ang mga alagad niya. Sinabi niya sa kanila, "Tumawid tayo sa kabila ng lawa." At ganoon nga ang ginawa nila. 23 Habang naglalayag sila, nakatulog si Hesus. Maya-mayaʼy dumating ang mabagsik na unos at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib.

24 Nilapitan siya ng mga alagad niya at ginising, "Guro! Guro! Mamamatay na tayo!"

Bumangon si Hesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. 25 Pagkatapos, tinanong ni Hesus ang mga alagad niya, "Nasaan ang pananampalataya ninyo?"

Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, "Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!"

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    22 Nangyari nga sa mga araw na yaon, na siya’y lumulan sa isang daong, siya at ang kaniyang mga alagad; at sinabi niya sa kanila, Magsitawid tayo sa kabilang ibayo ng dagatdagatan: at sila’y nagsitulak.

    23 Datapuwa’t samantalang sila’y nangaglalayag, siya’y nakatulog: at bumugso ang isang unos ng hangin sa dagatdagatan; at sila’y nangatitigib ng tubig, at nangasa kapanganiban.

    24 At sila’y nangagsilapit sa kaniya at siya’y ginising, na nangagsasabi, Guro, guro, tayo’y mangamamatay. At siya’y gumising, at sinaway ang hangin at ang galit ng tubig: at nangagsitigil, at humusay ang panahon.

    25 At sinabi niya sa kanila, Saan naroon ang inyong pananampalataya? At palibhasa’y nangatakot sila’y nagsisipanggilalas, na sinasabi ng isa sa iba, Sino nga ito, na siya’y naguutos maging sa hangin at sa tubig, at siya’y tinatalima nila?

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Lucas 24
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.