Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 9

Ang mga Nagnais Sumunod kay Hesus

57 Habang naglalakad sila, may isang lalaking nagsabi kay Hesus, "Susunod po ako sa inyo kahit saan."

58 Ngunit sinagot siya ni Hesus, "May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpapahingahan."

59 Sinabi ni Hesus sa isa, "Sumunod ka sa akin."

Ngunit sumagot siya, "Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako upang maipalibing ko ang aking ama."

60 Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, "Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipangaral ang tungkol sa kaharian ng Diyos."

61 May isa ring nagsabi kay Hesus, "Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko."

62 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos."

Veja também