Ang mga Unang Alagad ni Hesus
16 Isang araw, habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya si Simon at ang kapatid nitong si Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda. 17 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mangingisda ng mga tao." 18 Kaagad nilang iniwan ang mga lambat nila at sumunod sa kanya.