Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 12:1-12

Ang Talinghaga tungkol sa Masasamang Magsasaka

1 Nangaral si Hesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, "May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid. Pinabakuran niya iyon at nagpagawa siya ng pisaan ng ubas. Nagtayo rin siya ng isang bantayang tore. At pagkatapos ay pinaupahan niya ang kanyang ubasan sa mga magsasaka at pumunta siya sa malayong lugar. 2 Nang panahon na ng pamimitas ng ubas, nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasakang umuupa ng kanyang ubasan para kunin ang kanyang bahagi. 3 Ngunit sinunggaban ito ng mga magsasaka at binugbog, saka pinaalis nang walang dala. 4 Muling nagsugo ng isa pang alipin ang may-ari, ngunit hinampas ito sa ulo at inalipusta. 5 Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit pinatay nila ito. Marami pang isinugo ang may-ari, ngunit ang ibaʼy binugbog at ang iba namaʼy pinatay.

6 "Sa bandang huli, wala na siyang ibang maisugo kundi ang kanyang pinakamamahal na anak. Isinugo nga niya ang kanyang anak dahil inisip niyang igagalang nila.

7 "Ngunit nang makita ito ng mga magsasaka, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin na ang lupaing mamanahin niya.’ 8 Kaya sinunggaban nila ang anak ng may-ari, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.

9 "Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan. 10 Hindi nʼyo ba nabasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong tinanggihan

ng mga tagapagtayo ng bahay

ang siyang naging batong pundasyon.12:10 batong pundasyon: Sa literal, batong panulukan.

11 Gawa ito ng Panginoon

at kahanga-hanga ito sa atin!’ "12:11 Salmo 118:22-23.

12 Kaya ang mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay humanap ng paraan upang maipadakip si Hesus dahil alam nilang sila ang pinatatamaan niya sa talinghagang iyon. Ngunit natakot sila sa mga tao, kaya pinabayaan nila si Hesus, at umalis na lamang.

Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.