Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 118

1 Pasalamatan ang Panginoon, dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang tapat na pag-ibig ay walang hanggan.

2 Ang lahat ng mamamayan ng Israel ay magsabi,

"Ang kanyang tapat na pag-ibig

ay walang hanggan."

3 Ang lahat ng mga angkan ni ay magsabi,

"Ang kanyang tapat na pag-ibig

ay walang hanggan."

4 Ang lahat ng may takot sa Panginoon ay magsabi,

"Ang kanyang tapat na pag-ibig

ay walang hanggan."

5 Sa aking kagipitan, dumulog ako sa Panginoon,

at akoʼy kanyang sinagot at iniligtas.

6 Kasama ko ang Panginoon,

kaya hindi ako matatakot.

Ano ang magagawa ng tao sa akin?

7 Kasama ko ang Panginoon,

siya ang tumutulong sa akin.

Makikita ko ang pagkatalo

ng aking mga kaaway.

8 Mas mabuti pang manalig sa Panginoon,

kaysa magtiwala sa tao.

9 Mas mabuting pang manalig sa Panginoon,

kaysa magtiwala sa mga pinuno.

10 Napaligiran ako ng maraming bansang kaaway ko,

ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon

silaʼy tinalo ko.

11 Totoong pinaligiran nila ako,

ngunit sa kapangyarihan ng Panginoon silaʼy tinalo ko.

12 Sinalakay nila ako

na parang mga pukyutan,

ngunit silaʼy napatigil

na parang sinusunog na dayami.

Dahil sa kapangyarihan ng Panginoon,

silaʼy tinalo ko.

13 Puspusan nila akong sinalakay,

at halos magtagumpay na sila,

ngunit tinulungan ako ng Panginoon.

14 Ang Panginoon ang aking kalakasan

at siya ang aking awit.

Siya ang nagligtas sa akin.

15,16 Naririnig ang masayang sigawan

ng mga mamamayan ng Diyos

sa kanilang mga tolda

dahil sa kanilang tagumpay.

Ang Panginoon ang nagbigay

sa kanila ng tagumpay

sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan!

Ang kapangyarihan ng Panginoon

ang nagbibigay ng tagumpay!

17 Hindi ako mamamatay,

sa halip ay mabubuhay,

at isasaysay ko ang mga ginawa ng Panginoon.

18 Kahit napakatindi ng parusa ng Panginoon sa akin,

hindi niya niloob na akoʼy mamatay.

19 Buksan ninyo ang pintuan ng Templo ng Panginoon

para sa akin

dahil papasok ako

at siyaʼy aking pasasalamatan.

20 Ito ang pintuan ng Panginoon

na ang mga matuwid lang

ang makakapasok.

21 Magpapasalamat ako sa inyo Panginoon,

dahil sinagot nʼyo

ang aking dalangin.

Kayo ang nagligtas sa akin.

22 Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo

ang siyang naging batong panulukan.

23 Ang Panginoon ang may gawa nito

at tunay na kahanga-hanga

sa ating paningin.

24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon,

kaya tayoʼy magalak at magdiwang.

25 Panginoon, patuloy nʼyo kaming iligtas.

Pagtagumpayin nʼyo kami sa lahat

ng aming ginagawa.

26 Pinagpapala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Pagpalain sana kayo ng Panginoon

mula sa kanyang Templo.

27 Ang Panginoon ay Diyos

at napakabuti niya sa atin.

Magdala tayo ng mga sanga ng punongkahoy

para sa pagdiriwang ng pista,

at pumarada paikot sa altar.

28 Panginoon, kayo ang aking Diyos;

nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

29 Pasalamatan ang Panginoon,

dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang tapat na pag-ibig

ay walang hanggan.

Pessoa
Tribo de Levi
Arão
אַהֲרֹ֤ןaharon
Arão, irmão de Moisés, falou por ele diante do faraó e foi o primeiro sumo sacerdote de Israel, consagrado com os filhos para o sacerdócio (Êxodo 4:14).
Significado: “Exaltado, iluminado”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.