Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 16:14-18

OASD Ang Salita ng Diyos

14 Sa bandang huli, nagpakita rin si Hesus sa labing-isa niyang alagad habang kumakain ang mga ito. Pinagsabihan niya sila dahil sa kawalan nila ng pananampalataya at sa katigasan ng kanilang puso, sapagkat hindi sila naniwala sa mga nakakita sa kanya matapos siyang mabuhay muli.

15 Pagkatapos, sinabi ni Hesus sa kanila, "Humayo kayo sa buong mundo at ipangaral ninyo ang Magandang Balita sa lahat ng tao. 16 Ang lahat ng sasampalataya at magpapabautismo ay maliligtas, ngunit ang hindi sasampalataya ay parurusahan. 17 At ito ang mga palatandaang makikita sa mga taong sumasampalataya sa akin: Sa pamamagitan ng aking kapangyarihan,16:17 sa pamamagitan ng aking kapangyarihan: Sa literal, sa aking pangalan. magpapalayas sila ng mga demonyo; magsasalita sila sa ibang mga wika; 18 kung dumampot man sila ng mga ahas o makainom ng anumang lason ay hindi sila mapapahamak; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kanilang mga kamay."

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 At pagkatapos siya’y napakita sa labingisa samantalang sila’y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, sapagka’t hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya’y magbangon.

    15 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.

    16 Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

    17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika;

    18 Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.