Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 2:23-28

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Katanungan tungkol sa Araw ng Pamamahinga

23 Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Hesus sa isang triguhan, namitas ng trigo ang mga alagad niya upang kutkutin. 24 Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, "Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?"

25 Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain? 26 Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan."

27 At sinabi pa ni Hesus sa kanila, "Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. 28 Kaya ang Anak ng Tao ang Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga."

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
ΔαυιδDauidדָוִֽדdavid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Abiatar
ἈβιαθάρAbiathárאֶבְיָתָ֑רavəiyatar
Abiatar, filho de Aimeleque, escapou do massacre dos sacerdotes de Nobe e serviu Davi como sacerdote; Salomão o tirou do cargo por apoiar Adonias (1 Reis 2:27).
Citado em 29 versículos
Ver página completa

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    23 At nangyari, na nagdaraan siya sa mga bukiran ng trigo nang araw ng sabbath; at ang mga alagad niya, samantalang nagsisilakad, ay nagpasimulang nagsikitil ng mga uhay.

    24 At sinabi sa kaniya ng mga Fariseo, Narito, bakit ginagawa nila sa araw ng sabbath ang hindi matuwid?

    25 At sinabi niya sa kanila, Kailan man baga’y hindi ninyo nabasa ang ginawa ni David, nang siya’y mangailangan, at magutom, siya, at ang kaniyang mga kasamahan?

    26 Kung paanong pumasok siya sa bahay ng Dios nang panahon ng dakilang saserdoteng si Abiatar, at kumain siya ng tinapay na itinalaga, na hindi matuwid kanin maliban na sa mga saserdote lamang, at binigyan pa rin niya ang kaniyang mga kasamahan?

    27 At sinabi niya sa kanila, Ginawa ang sabbath ng dahil sa tao, at di ang tao ng dahil sa sabbath:

    28 Kaya’t ang Anak ng tao ay panginoon din naman ng sabbath.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.