Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 5

35 Habang kausap pa ni Hesus ang babae, dumating ang ilang tao mula sa bahay ni Jairo na isa sa mga namumuno sa sinagoga. Sinabi nila kay Jairo, "Patay na po ang anak ninyo. Kahit huwag nʼyo na pong abalahin ang guro."

36 Ngunit hindi pinansin ni Hesus ang sinabi nila. Sa halip, sinabi niya kay Jairo, "Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang."

37 Hindi pinayagan ni Hesus ang mga tao na sumáma sa kanya sa bahay ni Jairo maliban kay Pedro at sa magkapatid na Santiago at Juan. 38 Pagdating nila roon, nakita ni Hesus ang kaguluhan, may mga umiiyak at humahagulgol. 39 Pumasok siya sa bahay at sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nagkakagulo at nag-iiyakan? Hindi patay ang bata kundi natutulog lang!" 40 Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito.

Pinalabas niya silang lahat maliban sa amaʼt ina ng bata at sa tatlo niyang alagad. Pagkatapos, pumasok sila sa kuwartong kinaroroonan ng bata. 41 Hinawakan niya ito sa kamay at sinabi, "Talitha koum!" (na ang ibig sabihin ay "Ineng, bumangon ka"). 42 Bumangon naman agad ang bata at naglakad-lakad (siyaʼy labindalawang taóng gulang). Labis ang pagkamangha ng mga nakasaksi sa nangyari. 43 Ngunit mahigpit silang pinagbilinan ni Hesus na huwag ipagsabi kahit kanino ang nangyari. Pagkatapos, sinabihan sila ni Hesus na bigyan ng makakain ang bata.

Veja também