Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 6:1-16

Hindi Kinilala si Hesus sa Nazaret

1 Umalis si Hesus sa lugar na iyon at umuwi sa sarili niyang bayan, kasama ang mga alagad niya. 2 Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta siya sa sinagoga at nagturo. At marami sa mga nakarinig sa kanya ang namangha.

Sinabi nila, "Saan kaya niya nakuha ang mga itinuturo niyang ito? At ano ang karunungang ito na ibinigay sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga himala? 3 Hindi baʼt siya ang karpinterong anak ni , at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Ang mga kapatid niyang babae ay dito rin nakatira sa atin, hindi ba?" Dahil dito, nagalit sila at hindi naniwala sa kanya.

4 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Ang isang propeta ay iginagalang kahit saan, maliban sa kanyang sariling bayan, mga kamag-anak at pamilya." 5 Dahil ayaw nilang maniwala sa kanya, hindi siya nakagawa ng mga himala roon maliban sa ilang maysakit na pinatungan niya ng kanyang kamay at pinagaling. 6 Namangha siya dahil hindi sila nanampalataya.

Sinugo ni Hesus ang Labindalawang Alagad

Pagkatapos, nilibot ni Hesus ang mga kanayunan at nagturo sa mga tao. 7 Tinawag niya ang labindalawang alagad at sinugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu.

8 Ito ang kanyang mga bilin: "Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay; pagkain, balutan, o pera, maliban sa isang tungkod. 9 Magsuot kayo ng sandalyas, pero huwag kayong magdala ng bihisan. 10 Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon. 11 Kung may lugar na ayaw kayong tanggapin at ayaw kayong pakinggan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa pag-alis ninyo, bilang babala laban sa kanila."

12 Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. 13 Pinalayas nila ang mga demonyo at pinahiran ng langis ang mga maysakit at pinagaling.

Pinugutan si Juan na Tagapagbautismo

14 Nabalitaan ni Haring Herodes ang tungkol kay Hesus dahil kilalang-kilala na siya kahit saan. May mga nagsasabi, "Siya si na Tagapagbautismo na muling nabuhay, kaya nakakagawa siya ng mga himala."

15 Ang sabi naman ng iba, "Siya si ." At may mga nagsasabi rin, "Siya ay isang propeta na tulad ng mga propeta noong unang panahon."

16 Ngunit nang mabalitaan ito ni Herodes, sinabi niya, "Muling nabuhay si na pinapugutan ko ng ulo!"

Pessoa
G3137
Maria
ΜαρίαMariaמִרְיָםmirəyam
Maria, virgem de Nazaré prometida em casamento a José, foi a mãe de Jesus, que concebeu pelo Espírito Santo, e esteve junto à cruz do filho (Lucas 1:27).
Significado: “Amada, senhora”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
H452
Elias
אֵלִיָּהוּeliyahu
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Significado: “O Meu Deus é o Senhor (Javé)”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.