48 Nakita niyang hirap sa pagsagwan ang mga alagad niya, dahil salungat sila sa hangin. Nang madaling-araw na, sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Lalampasan na lang sana niya sila, 49 ngunit nang makita siya ng mga alagad niya na lumalakad sa ibabaw ng tubig, inisip nilang multo siya kayaʼt nagsigawan sila. 50 Takot na takot silang lahat sa nakita nila.
Ngunit nagsalita agad si Hesus, "Huwag kayong matakot. Ako ito! Lakasan ninyo ang inyong loob." 51 Sumakay siya sa bangka at biglang tumigil ang malakas na hangin. Lubos silang namangha,