Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 6:7-13

Sinugo ni Hesus ang Labindalawang Alagad

7 Tinawag niya ang labindalawang alagad at sinugo sila nang dala-dalawa. Binigyan niya sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamáng espiritu.

8 Ito ang kanyang mga bilin: "Huwag kayong magdala ng anuman sa inyong paglalakbay; pagkain, balutan, o pera, maliban sa isang tungkod. 9 Magsuot kayo ng sandalyas, pero huwag kayong magdala ng bihisan. 10 Kapag dumating kayo sa isang bayan, manatili kayo sa tahanang nagpatuloy sa inyo hanggang sa pag-alis ninyo sa lugar na iyon. 11 Kung may lugar na ayaw kayong tanggapin at ayaw kayong pakinggan, ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa sa pag-alis ninyo, bilang babala laban sa kanila."

12 Kaya umalis ang labindalawang alagad at nangaral sa mga tao na dapat silang magsisi at tumalikod sa kanilang mga kasalanan. 13 Pinalayas nila ang mga demonyo at pinahiran ng langis ang mga maysakit at pinagaling.

Todos os capítulos de Marcos 16
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.