Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 7

Pinagaling ni Hesus ang Lalaking Pipi at Bingi

31 Umalis si Hesus sa lupain ng Tiro, at dumaan sa Sidon. Nagtuloy siya sa lawa ng Galilea, at tinahak niya ang lupain ng Decapolis. 32 Dinala ng mga tao kay Hesus ang isang lalaking pipi at bingi. Nakiusap sila na ipatong niya ang kanyang mga kamay sa lalaki upang gumaling ito.

33 Inilayo muna ni Hesus ang lalaki sa mga tao. Nang sila na lang, ipinasok niya ang kanyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos ay dumura siya at hinipo ang dila ng lalaki. 34 Tumingala si Hesus sa langit, nagbuntong-hininga, at sinabi sa lalaki, "Effata!" (na ang ibig sabihin ay "Mabuksan ka!") 35 Agad na nakarinig ang lalaki at nakapagsalita nang maayos.

36 Binilinan naman ni Hesus ang mga tao na huwag ipamalita ang nangyari. Ngunit habang pinagbabawalan niya ang mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. 37 Labis na namangha ang mga tao, at sinabi nila, "Napakahusay ng lahat ng ginawa niya! Kahit ang mga pipi ay nakakapagsalita at ang mga bingi ay nakakarinig."

Veja também