Pular para o conteúdo
Publicidade

Marcos 8

Pinakain ni Hesus ang Apat na Libo

1 Sa mga araw na iyon, muling nagtipon ang napakaraming tao sa kinaroroonan ni Hesus. At dahil wala na silang makain, tinawag ni Hesus ang mga alagad niya at sinabi, 2 "Naaawa ako sa mga taong ito. Tatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. 3 Kung pauuwiin ko sila nang gutom, baka himatayin sila sa daan dahil malayo pa ang pinanggalingan ng iba sa kanila."

4 Sumagot ang mga alagad niya, "Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain dito sa ilang para sa ganito karaming tao?"

5 Tinanong sila ni Hesus, "Ilan ang tinapay ninyo riyan?"

Sinabi nila, "Pito po."

6 Pinaupo ni Hesus sa lupa ang mga tao. Kinuha niya ang pitong tinapay at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ito at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. At ginawa nga nila ito. 7 Mayroon din silang ilang maliliit na isda. Nagpasalamat si Hesus para sa mga iyon at iniutos niya sa kanyang mga alagad na ipamigay din sa mga tao. 8 Kumain sila at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng pitong kaing. 9 Ang bilang ng mga taong kumain ay mga apat na libo. Matapos pauwiin ni Hesus ang mga tao,

Veja também