Hinadlangan ang Pagpapatayo ng Pader
1 Nang mabalitaan ni Sanbalat na itinatayo naming muli ang pader, nagalit siya ng husto at hinamak kaming mga Hudyo. 2 Sa harap ng mga kasama niya at ng mga sundalo ng Samaria, sinabi niya, "Ano ba ang ginagawa ng mga kawawang Hudyong ito? Akala ba nila, maitatayo nila ulit ang pader ng Jerusalem sa loob lang ng isang araw at makapaghahandog uliʼt sila? Akala siguro nila, magagamit pa nila ang mga nasunog at nadurog na mga bato!"
3 Sinabi pa ng Amonitang si Tobias na nasa tabi ni Sanbalat, "Kahit asong-gubat lang ang sumampa sa pader na iyan, mawawasak na iyan!"