5 At sinabi ng mga Levitang sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, "Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Diyos na walang hanggan!"9:5 na walang hanggan: O magpakailanman. Pagkatapos ay nanalangin sila:
"O Panginoon, kapuri-puri po ang inyong dakilang pangalan! Hindi ito mapapantayan ng anumang pagpapala at pagpupuri.