Pular para o conteúdo
Publicidade

Hoseas 10

1 Ang ay parang tanim na lumalago

na mayabong at hitik sa bunga.

Ngunit habang umuunlad siya,

dumarami rin ang mga altar

na ipinapatayo niya.

Habang ang lupain niyaʼy pinagpapala,

lalo rin niyang pinapalamutian

ng maganda

ang mga sagradong bato

na kanyang sinasamba.

2 Mapanlinlang sila,10:2 Mapanlinlang sila: O Madaling magbago ang kanilang isip. at ngayon

dapat na nilang pagdusahan

ang kanilang mga kasalanan.

Gigibain ng Panginoon

ang mga altar nila

at mga sagradong bato.

3 Siguradong sasabihin nila

sa bandang huli,

"Wala kaming hari

dahil wala kaming takot

sa Panginoon.

Subalit kahit na may hari kami,

wala rin itong magagawang mabuti

para sa amin."

4 Puro salita lang sila10:4 sila: Ang mga dating hari o ang mga tao.

ngunit hindi naman nila tinutupad.

Nanunumpa sila ng kasinungalingan

at gumagawa ng kasunduan

na hindi naman nila tinutupad.

Kaya ang katarungan

ay parang nakakalasong damo

na tumutubo sa binungkal na lupain.

5 Matatakot ang mga mamamayan

ng

dahil sa diyos-diyosang guya

sa Bet-aven.

Sila at ang kanilang mga pari na

nagagalak sa kagandahan

ng mga diyos-diyosan nila

ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila

6 at dadalhin sa

at ihahandog sa dakilang hari doon.

Mapapahiya ang Israel10:6 Israel: Sa Hebreo, Efraim. Isa ito sa mga lahi sa kaharian ng Israel, ngunit sa aklat na ito ang tinutukoy ay ang buong kaharian ng Israel.

sa kanyang pagtitiwala

sa mga diyos-diyosan.10:6 sa kanyang … diyos-diyosan: O sa payong sinunod niya.

7 Mawawala ang kanyang10:7 kanyang: Sa Hebreo, Samaria. Ito ang kabisera ng Israel at kumakatawan sa buong kaharian ng Israel. Tingnan ang talababa sa 4:15. hari

na parang kahoy na tinangay ng agos.

8 Gigibain ang mga sambahan

sa mga matataas na lugar ng Aven,10:8 Aven: Ito rin ang Bet-aven o Betel.

na naging dahilan ng pagkakasala

ng mga taga-Israel.

Matatakpan ang kanilang mga altar

ng matataas na damo

at mga halamang may tinik.

Sasabihin nila sa mga bundok at mga burol,

"Tabunan ninyo kami!"

9 "Sinabi ng Panginoon,

‘Kayong mga mamamayan ng Israel

ay patuloy sa pagkakasala

mula pa noong magkasala

ang inyong mga ninuno doon sa Gibea.

Hindi kayo nagbago.

Kaya kayong mga lahi ng masasama

ay lulusubin sa Gibea.

10 Gusto ko na kayong parusahan.

Kaya magsasanib ang mga bansa

upang lusubin kayo10:10 upang lusubin kayo: O upang bihagin kayo.

dahil sa patuloy ninyong pagkakasala.

11 Noon, para kayong dumalagang baka

na sinanay na gumiik

at gustong-gusto ang gawaing ito.

Subalit ngayon, pahihirapan ko

kayong mga taga-Israel10:11 Israel: Sa Hebreo, Efraim. Tingnan ang talababa sa 4:17.

at pati ang mga taga-Juda.

Magiging tulad kayo ng dumalagang baka

na sisingkawan ang makinis na leeg

at pahihirapan sa paghila ng pang-araro.’

12 Sinabi ko sa inyo,

‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso

tulad ng binungkal na lupa.

Magtanim kayo ng katuwiran

at mag-aani kayo ng pagmamahal.

Sapagkat panahon na

upang magbalik-loob kayo

sa Panginoon

hanggang sa aking pagdating,

at pauulanan ko kayo ng tagumpay.10:12 tagumpay: O kaligtasan.’

13 "Subalit nagtanim kayo ng kasamaan,

kaya umani rin kayo ng kasamaan.

Nagsinungaling kayo,

at iyan ang bunga

ng inyong kasamaan.

At dahil sa nagtitiwala kayo

sa sarili ninyong kakayahan

at sa marami ninyong mga kawal,

14 darating ang digmaan

sa inyong mga mamamayan

at magigiba ang inyong mga tanggulan.

Gagawin ng mga kalaban ninyo

ang ginawa ni Shalman10:14 Shalman: Maaaring isang hari ng mga Moabita.

sa lungsod ng Bet-arbel

nang pagluray-lurayin niya ang mga ina

at ang kanilang mga anak.

15 Ganyan din ang mangyayari sa iyo, ,

dahil sukdulan na ang kasamaan ninyo.

Sa pagbubukang-liwayway

ng araw na iyon,

tiyak na mamamatay

ang hari ng Israel.

Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Samaria
Hoje: Sebastia (Samaria)
שֹׁמְרוֹןshomeronΣαμάρειαSamareia
Samaria é a cidade onde os reis de Israel tinham o palácio e onde Acabe construiu um templo de Baal e levantou um altar a Baal (1 Reis 16:32).
32,28° N, 35,20° L
Citado em 113 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Assíria
Hoje: Norte da Mesopotâmia (Iraque)
אַשּׁוּרashshur
Assíria é a terra cujos reis tomaram a Galileia e Naftali, cercaram Samaria por três anos e deportaram israelitas para Hala, Habor e Gozã. Senaqueribe, seu rei, enviou servos a Ezequias em Jerusalém (2 Crônicas 32:9).
36,36° N, 43,15° L
Citado em 141 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betel
Hoje: Beitin (Betel)
בֵּֽיתְ־אֵלbet-el
Betel é a cidade antes chamada Luz, onde Deus se revelou a um homem que fugia do irmão e onde foi construído um altar; ali também foi posto um bezerro (Gênesis 35:7).
31,92° N, 35,24° L
Citado em 69 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Hoseas 14
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.