4 "O Israel6:4 Israel: Sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talata 10|HOS 6:4. Tingnan ang talababa sa 4:17. at Juda,
ano ang gagawin ko sa inyo?
Ang pag-ibig ninyo sa akiʼy
parang ambon o hamog
sa umaga na madaling mawala.
6 Sapagkat hindi ang inyong mga handog
ang nais ko,
kundi ang inyong pagmamahal.6:6 pagmamahal: Maaaring ang ibig sabihin, pagmamahal sa Diyos o pagmamahal sa kapwa.
Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako
bilang Diyos
kaysa sa mag-alay kayo
ng mga handog na sinusunog.