12 Kaya lahat tayoʼy mananagot sa Diyos sa lahat ng ating mga ginawa.
13 Kaya nga huwag na nating husgahan ang ating kapwa. Sa halip, iwasan na nating gumawa ng mga bagay na magiging dahilan ng pagkakasala ng ating kapatid. 14 Dahil nakipag-isa na ako sa Panginoong Hesus, alam ko at natitiyak kong wala talagang bawal na pagkain. Ngunit kung naniniwala ang isang tao na marumi ang isang pagkain, marumi nga ito sa kanya kapag kinain niya.