Pular para o conteúdo
Publicidade

Romanos 8

15 At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba,8:15 Ito ay Ama sa wikang Arameo. Ama" ang Diyos. 16 Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos. 17 At bilang mga anak, mga tagapagmana tayo ng lahat ng pagpapalang inilaan ng Diyos para sa mga anak niya. At tayoʼy kasama ni Kristo na magmamana ng mga inihanda ng Diyos para sa kanya. Sapagkat kung magtitiis tayo kasama ni Kristo, makakasama rin tayo sa kanyang kaluwalhatian.

Veja também