1 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili: 2 Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili. 3 Sapagka't ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi: 4 At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis. 5 Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat ng pangalan ng Israel. 6 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, Ako ang una, at ako ang huli; at liban sa akin ay walang Dios. 7 At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila. 8 Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. 9 Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya. 10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman? 11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama. 12 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at pata. 13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay. 14 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan. 15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan. 16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy: 17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios. 18 Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa. 19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy? 20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay? 21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan. 22 Aking pinawi na parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos kita. 23 Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel. 24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng iyong Manunubos, at niyang naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa; 25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman; 26 Na nagpapatatag ng salita ng kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon: 27 Na nagsasabi sa kalaliman, Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog; 28 Na nagsasabi tungkol kay Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.
1 Yet now hear, O Jacob my servant; and Israel, whom I have chosen:2 Thus says the LORD that made you, and formed you from the womb, who will help you; Fear not, O Jacob, my servant; and you, Jeshurun, whom I have chosen.3 For I will pour water upon him that is thirsty, and floods upon the dry ground: I will pour my spirit upon your descendants, and my blessing upon your offspring:4 And they shall spring up as among the grass, as willows by the watercourses.5 One shall say, I am the LORD's; and another shall call himself by the name of Jacob; and another shall write on his hand, The LORD’S, and surname himself by the name of Israel.6 Thus says the LORD the King of Israel, and his redeemer the LORD of hosts; I am the first, and I am the last; and besides me there is no God.7 And who, as I do, shall call, and shall proclaim it, and set it in order for me, since I appointed the ancient people? and the things that are coming, and shall come, let them show these unto them.8 Fear not, neither be afraid: have not I told you from that time, and have declared it? you are even my witnesses. Is there a God besides me? yea, there is no God; I know not any.9 They that make a graven image are all of them nothing; and their precious things shall not profit; and they are their own witnesses; they see not, nor know; that they may be ashamed.10 Who fashions a god, or molds a graven image, that is profitable for nothing?11 Behold, all his fellows shall be put to shame: and the workmen, they are mere men: let them all be gathered together, let them stand up; yet they shall fear, and they shall be put to shame together.12 The blacksmith with the tongs works in the coals, and fashions it with hammers, and works it with the strength of his arms: yea, he is hungry, and his strength fails: he drinks no water, and is faint.13 The carpenter stretches out his rule; he marks it out with a line; he fashions it with planes, and he marks it out with the compass, and makes it after the figure of a man, according to the beauty of a man; that it may remain in the house.14 He hews himself down cedars, and takes the cypress and the oak, which he secures for himself among the trees of the forest: he plants a pine, and the rain does nourish it.15 Then shall it be for a man to burn: for he will take of it, and warm himself; yea, he kindles it, and bakes bread; yea, he makes a god, and worships it; he makes it a graven image, and falls down to it.16 He burns part of it in the fire; with part of it he eats flesh; he roasts a roast, and is satisfied: yea, he warms himself, and says, Aha, I am warm, I have seen the fire:17 And the rest of it he makes into a god, even his graven image: he falls down unto it, and worships it, and prays unto it, and says, Deliver me; for you are my god.18 They have not known nor understood: for he has shut their eyes, that they cannot see; and their hearts, that they cannot understand.19 And none considers in his heart, neither is there knowledge nor understanding to say, I have burned part of it in the fire; yea, also I have baked bread upon its coals; I have roasted flesh, and eaten it: and shall I make the rest of it an abomination? shall I fall down to a block of wood?20 He feeds on ashes: a deceived heart has turned him aside, that he cannot deliver his soul, nor say, Is there not a lie in my right hand?21 Remember these, O Jacob and Israel; for you are my servant: I have formed you; you are my servant: O Israel, you shall not be forgotten of me.22 I have blotted out, as a thick cloud, your transgressions, and, as a cloud, your sins: return unto me; for I have redeemed you.23 Sing, O you heavens; for the LORD has done it: shout, you lower parts of the earth: break forth into singing, you mountains, O forest, and every tree in it: for the LORD has redeemed Jacob, and glorified himself in Israel.24 Thus says the LORD, your redeemer, and he that formed you from the womb, I am the LORD that makes all things; that stretches forth the heavens alone; that spreads abroad the earth by myself;25 That frustrates the omens of the liars, and makes diviners mad; that turns wise men backward, and makes their knowledge foolish;26 That confirms the word of his servant, and performs the counsel of his messengers; that says to Jerusalem, you shall be inhabited; and to the cities of Judah, you shall be built, and I will raise up its waste places:27 That says to the deep, Be dry, and I will dry up your rivers:28 That says of Cyrus, He is my shepherd, and shall perform all my pleasure: even saying to Jerusalem, You shall be built; and to the temple, Your foundation shall be laid.