Publicidade

Isaías 58

1 Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan. 2 Gayon ma'y hinahanap nila ako araw-araw, at kinalulugdan nilang maalaman ang aking mga daan: na gaya ng bansa na gumawang matuwid, at hindi lumimot ng alituntunin ng kanilang Dios, hinihingan nila ako ng mga palatuntunan ng katuwiran; sila'y nangalulugod na magsilapit sa Dios. 3 Ano't kami ay nangagayuno, sabi nila, at hindi mo nakikita? ano't aming pinagdalamhati ang aming kaluluwa, at hindi mo napapansin? Narito, sa kaarawan ng inyong pagaayuno ay masusumpungan ninyo ang inyong sariling kalayawan, at inyong hinihingi ang lahat ninyong gawa. 4 Narito, kayo'y nangagaayuno para sa pakikipagkaalit at pakikipagtalo, at upang manakit ng suntok ng kasamaan: hindi kayo nangagaayuno sa araw na ito, upang inyong iparinig ang inyong tinig sa itaas. 5 Iyan baga ang ayuno na aking pinili? ang araw na pagdadalamhatiin ng tao ang kaniyang kaluluwa? Ang iyuko ang kaniyang ulo na parang yantok, at maglatag ng magaspang na kayo at abo sa ilalim niya? iyo bang tatawagin ito na ayuno, at kalugodlugod na araw sa Panginoon? 6 Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang? 7 Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao? 8 Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong bantay likod. 9 Kung magkagayo'y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot; ikaw ay dadaing, at siya'y magsasabi, Narito ako. Kung iyong alisin sa gitna mo ang atang, ang pagtuturo, at ang pagsasalita ng masama: 10 At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat; 11 At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat. 12 At silang magiging iyo ay magtatayo ng mga dating sirang dako; ikaw ay magbabangon ng mga patibayan ng maraming sali't saling lahi; at ikaw ay tatawagin Ang tagapaghusay ng sira, Ang tagapagsauli ng mga landas na matatahanan. 13 Kung iyong iurong ang iyong paa sa sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na kaarawan; at iyong tawagin ang sabbath na kaluguran, at ang banal ng Panginoon na marangal; at iyong pararangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan, ni magsasalita ng iyong mga sariling salita: 14 Kung magkagayo'y malulugod ka nga sa Panginoon; at pangangabayuhin kita sa mga mataas na dako sa lupa; at pakakanin kita ng mana ni Jacob na iyong ama; sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon.

1 Cry aloud, spare not, lift up your voice like a trumpet, and show my people their transgression, and the house of Jacob their sins.2 Yet they seek me daily, and delight to know my ways, as a nation that did righteousness, and forsook not the ordinance of their God: they ask of me the ordinances of justice; they take delight in approaching God.3 Why have we fasted, they say, and you see not? why have we afflicted our soul, and you take no knowledge? Behold, in the day of your fast you find pleasure, and exploit all your laborers.4 Behold, you fast for strife and debate, and to strike with the fist of wickedness: you shall not fast as you do this day, to make your voice to be heard on high.5 Is it such a fast that I have chosen? a day for a man to afflict his soul? is it to bow down his head as a bulrush, and to spread sackcloth and ashes under him? will you call this a fast, and an acceptable day to the LORD?6 Is not this the fast that I have chosen? to loose the bonds of wickedness, to undo the heavy burdens, and to let the oppressed go free, and that you break every yoke?7 Is it not to share your bread with the hungry, and that you bring the poor that are cast out to your house? when you see the naked, that you cover him; and that you hide not yourself from your own flesh?8 Then shall your light break forth as the morning, and your health shall spring forth speedily: and your righteousness shall go before you; the glory of the LORD shall be your rear guard.9 Then shall you call, and the LORD shall answer; you shall cry, and he shall say, Here I am. If you take away from the midst of you the yoke, the pointing of the finger, and speaking wickedness;10 And if you draw out your soul to the hungry, and satisfy the afflicted soul; then shall your light rise in the darkness, and your darkness be as the noon day:11 And the LORD shall guide you continually, and satisfy your soul in drought, and strengthen your bones: and you shall be like a watered garden, and like a spring of water, whose waters fail not.12 And they from among you shall build the old waste places: you shall raise up the foundations of many generations; and you shall be called, The repairer of the breach, The restorer of streets to dwell in.13 If you turn away your foot from the sabbath, from doing your pleasure on my holy day; and call the sabbath a delight, the holy of the LORD, honorable; and shall honor him, not doing your own ways, nor finding your own pleasure, nor speaking your own words:14 Then shall you delight yourself in the LORD; and I will cause you to ride upon the heights of the earth, and feed you with the heritage of Jacob your father: for the mouth of the LORD has spoken it.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-