Publicidade

Isaías 13

1 Ang hula tungkol sa Babilonia na nakita ni Isaias na anak ni Amoz. 2 Kayo'y mangaglagay ng isang watawa't sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao. 3 Aking inutusan ang aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan. 4 Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka. 5 Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain. 6 Magsiangal kayo; sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat. 7 Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo: 8 At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab. 9 Narito, ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon. 10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag. 11 At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot. 12 At aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir. 13 Kaya't aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa kaarawan ng kaniyang mabangis na galit, 14 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain. 15 Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak. 16 Ang kanilang mga sanggol ay pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin. 17 Narito, aking hihikayatin ang mga Medo laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran. 18 At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata. 19 At ang Babilonia, ang kaluwalhatian ng mga kaharian, ang ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra. 20 Hindi matatahanan kailan man, ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan. 21 Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon. 22 At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.

1 The burden concerning Babylon, which Isaiah the son of Amoz did see.2 Lift up a banner upon the high mountain, raise the voice unto them, wave the hand, that they may go into the gates of the nobles.3 I have commanded my sanctified ones, I have also called my mighty ones for my anger, even them that rejoice in my exaltation.4 The noise of a multitude in the mountains, like that of a great people; a tumultuous noise of the kingdoms of nations gathered together: the LORD of hosts musters the army of the battle.5 They come from a far country, from the end of heaven, even the LORD, and the weapons of his indignation, to destroy the whole land.6 Wail you; for the day of the LORD is at hand; it shall come as a destruction from the Almighty.7 Therefore shall all hands be feeble, and every man's heart shall melt:8 And they shall be afraid: pangs and sorrows shall take hold of them; they shall be in pain as a woman that travails: they shall be amazed one at another; their faces shall be as flames.9 Behold, the day of the LORD comes, cruel both with wrath and fierce anger, to lay the land desolate: and he shall destroy its sinners out of it.10 For the stars of heaven and its constellations shall not give their light: the sun shall be darkened in its going forth, and the moon shall not cause its light to shine.11 And I will punish the world for their evil, and the wicked for their iniquity; and I will cause the arrogance of the proud to cease, and will lay low the haughtiness of the ruthless.12 I will make a man more rare than fine gold; even a man more than the golden wedge of Ophir.13 Therefore I will shake the heavens, and the earth shall remove out of her place, in the wrath of the LORD of hosts, and in the day of his fierce anger.14 And it shall be as the hunted gazelle, and as a sheep that no man gathers up: every man shall return to his own people, and flee everyone into his own land.15 Everyone that is found shall be thrust through; and everyone that is caught shall fall by the sword.16 Their children also shall be dashed to pieces before their eyes; their houses shall be plundered, and their wives ravished.17 Behold, I will stir up the Medes against them, who shall not regard silver; and as for gold, they shall not delight in it.18 Their bows also shall dash the young men to pieces; and they shall have no pity on the fruit of the womb; their eye shall not spare children.19 And Babylon, the glory of kingdoms, the beauty of the Chaldeans' pride, shall be as when God overthrew Sodom and Gomorrah.20 It shall never be inhabited, neither shall it be dwelt in from generation to generation: neither shall the Arabian pitch his tent there; neither shall the shepherds make their sheepfolds there.21 But wild beasts of the desert shall lie there; and their houses shall be full of howling creatures; and ostriches shall dwell there, and wild goats shall dance there.22 The hyenas shall cry in its towers, and jackals in their pleasant palaces: her time is near, and her days shall not be prolonged.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-