Publicidade

Isaías 56

1 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag. 2 Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan. 3 At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y punong kahoy na tuyo. 4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan: 5 Sila'y bibigyan ko sa aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam. 6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan; 7 Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. 8 Ang Panginoong Dios na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan. 9 Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat. 10 Ang kaniyang mga bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip. 11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang. 12 Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay.

1 Thus says the LORD, Keep justice, and do righteousness: for my salvation is soon to come, and my righteousness to be revealed.2 Blessed is the man that does this, and the son of man that lays hold on it; that keeps the sabbath from defiling it, and keeps his hand from doing any evil.3 Neither let the son of the foreigner, that has joined himself to the LORD, speak, saying, The LORD has utterly separated me from his people: neither let the eunuch say, Behold, I am a dry tree.4 For thus says the LORD: Unto the eunuchs that keep my sabbaths, and choose the things that please me, and take hold of my covenant;5 Even unto them will I give in my house and within my walls a place and a name better than of sons and of daughters: I will give them an everlasting name, that shall not be cut off.6 Also the sons of the foreigner, that join themselves to the LORD, to serve him, and to love the name of the LORD, to be his servants, everyone that keeps the sabbath from defiling it, and takes hold of my covenant;7 Even them will I bring to my holy mountain, and make them joyful in my house of prayer: their burnt offerings and their sacrifices shall be accepted upon my altar; for my house shall be called a house of prayer for all people.8 The Lord GOD who gathers the outcasts of Israel says, Yet will I gather others to him, besides those that are gathered unto him.9 All you beasts of the field, come to devour, yea, all you beasts in the forest.10 His watchmen are blind: they are all ignorant, they are all dumb dogs, they cannot bark; sleeping, lying down, loving to slumber.11 Yea, they are greedy dogs who can never have enough, and they are shepherds that cannot understand: they all look to their own way, everyone for his gain, from his own quarter.12 Come you, they say, I will bring wine, and we will fill ourselves with strong drink; and tomorrow shall be as this day, and much more abundant.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-