1 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, at nagsilabas sa bukal ng Juda; na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man. 2 (Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan): 3 Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari. 4 Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso: 5 Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila. 6 Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman. 7 Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman. 8 Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang mula sa bahay-bata. 9 Dahil sa aking pangalan ay aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay. 10 Narito dinalisay kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa hurno ng kadalamhatian. 11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba. 12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: Ako nga; ako ang una, ako rin ang huli. 13 Oo, ang aking kamay ay siyang naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama. 14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? Siyang iniibig ng Panginoon ay kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga Caldeo. 15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad. 16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu. 17 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran. 18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat: 19 Ang iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko. 20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod. 21 At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal. 22 Walang kapayapaan sa masama, sabi ng Panginoon.
1 Hear this, O house of Jacob, who are called by the name of Israel, and have come forth out of the waters of Judah, who swear by the name of the LORD, and make mention of the God of Israel, but not in truth, nor in righteousness.2 For they call themselves after the holy city, and anchor themselves upon the God of Israel; The LORD of hosts is his name.3 I have declared the former things from the beginning; and they went forth out of my mouth, and I showed them; I did them suddenly, and they came to pass.4 Because I knew that you are obstinate, and your neck is an iron sinew, and your brow bronze;5 I have even from the beginning declared it to you; before it came to pass I showed it to you: lest you should say, my idol has done them, and my graven image, and my molten image, has commanded them.6 You have heard, now see all this; and will you not declare it? I have showed you new things from this time, even hidden things, and you did not know them.7 They are created now, and not from the beginning; even before the day when you heard them not; lest you should say, Behold, I knew them.8 Yea, you heard not; yea, you knew not; yea, from of old your ear was not opened: for I knew that you would deal very treacherously, and were called a transgressor from the womb.9 For my name's sake will I defer my anger, and for my praise will I restrain it for you, that I cut you not off.10 Behold, I have refined you, but not with silver; I have tested you in the furnace of affliction.11 For my own sake, even for my own sake, will I do it: for how should my name be profaned? and I will not give my glory unto another.12 Hearken unto me, O Jacob and Israel, my called; I am he; I am the first, I also am the last.13 My hand also has laid the foundation of the earth, and my right hand has spread out the heavens: when I call unto them, they stand up together.14 All you, assemble yourselves, and hear; who among them has declared these things? The LORD has loved him: he will do his pleasure on Babylon, and his arm shall be on the Chaldeans.15 I, even I, have spoken; yea, I have called him: I have brought him, and he shall make his way prosperous.16 Come near unto me, hear this; I have not spoken in secret from the beginning; from the time that it was, there am I: and now the Lord GOD, and his Spirit, has sent me.17 Thus says the LORD, your Redeemer, the Holy One of Israel; I am the LORD your God who teaches you to profit, who leads you by the way that you should go.18 O that you had hearkened to my commandments! then had your peace been as a river, and your righteousness as the waves of the sea:19 Your descendants also had been as the sand, and the offspring of your body like its grains; his name should not have been cut off nor destroyed from before me.20 Go forth from Babylon, flee from the Chaldeans, with a voice of singing declare you, tell this, utter it even to the end of the earth; say, The LORD has redeemed his servant Jacob.21 And they thirsted not when he led them through the deserts: he caused the waters to flow out of the rock for them: he split the rock also, and the waters gushed out.22 There is no peace, says the LORD, unto the wicked.