1 Ako'y napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa bansa na hindi tinawag sa aking pangalan. 2 Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip; 3 Bayan na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan sa ibabaw ng mga laryo; 4 Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan; 5 Na nagsasabi, Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw. 6 Narito, nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti sa kanilang sinapupunan, 7 Ang inyong sariling mga kasamaan, at ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan. 8 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat. 9 At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod. 10 At ang Saron ay magiging kulungan ng mga kawan, at ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin. 11 Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang para sa Kapalaran, at pinupuno ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan; 12 Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran. 13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya; 14 Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal dahil sa pagkabagbag ng loob. 15 At inyong iiwan ang inyong pangalan na pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan: 16 Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata. 17 Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man. 18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan. 19 At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing. 20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain. 21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon. 22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay. 23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila. 24 At mangyayari, na bago sila magsitawag, sasagot ako; at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin. 25 Ang lobo at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
1 I am sought of them that asked not for me; I am found of them that sought me not: I said, Behold me, behold me, unto a nation that was not called by my name.2 I have spread out my hands all the day unto a rebellious people, who walk in a way that was not good, after their own thoughts;3 A people that provoke me to anger continually to my face; that sacrifice in gardens, and burn incense upon altars of brick;4 Who remain among the graves, and lodge in the monuments, who eat swine's flesh, and broth of abominable things is in their vessels;5 Who say, Stand by yourself, come not near to me; for I am holier than you. These are a smoke in my nostrils, a fire that burns all the day.6 Behold, it is written before me: I will not keep silence, but will repay, even repay into their bosom,7 Your iniquities, and the iniquities of your fathers together, says the LORD, who have burned incense upon the mountains, and blasphemed me upon the hills: therefore will I measure their former work into their bosom.8 Thus says the LORD, As the new wine is found in the cluster, and one says, Destroy it not; for a blessing is in it: so will I do for my servants' sakes, that I may not destroy them all.9 And I will bring forth a descendant out of Jacob, and out of Judah an inheritor of my mountains: and my elect shall inherit it, and my servants shall dwell there.10 And Sharon shall be a fold of flocks, and the valley of Achor a place for the herds to lie down in, for my people that have sought me.11 But you are they that forsake the LORD, that forget my holy mountain, that prepare a table for that troop, and that furnish the drink offering unto that number.12 Therefore will I number you to the sword, and you shall all bow down to the slaughter: because when I called, you did not answer; when I spoke, you did not hear; but did evil before my eyes, and did choose that in which I delighted not.13 Therefore thus says the Lord GOD, Behold, my servants shall eat, but you shall be hungry: behold, my servants shall drink, but you shall be thirsty: behold, my servants shall rejoice, but you shall be ashamed:14 Behold, my servants shall sing for joy of heart, but you shall cry for sorrow of heart, and shall wail for anguish of spirit.15 And you shall leave your name for a curse unto my chosen: for the Lord GOD shall slay you, and call his servants by another name:16 That he who blesses himself in the earth shall bless himself in the God of truth; and he that swears in the earth shall swear by the God of truth; because the former troubles are forgotten, and because they are hid from my eyes.17 For, behold, I create new heavens and a new earth: and the former shall not be remembered, nor come into mind.18 But be glad and rejoice forever in that which I create: for, behold, I create Jerusalem a rejoicing, and her people a joy.19 And I will rejoice in Jerusalem, and joy in my people: and the voice of weeping shall be no more heard in her, nor the voice of crying.20 There shall be no more there an infant of days, nor an old man that has not fulfilled his days: for the child shall die a hundred years old; but the sinner being a hundred years old shall be accursed.21 And they shall build houses, and inhabit them; and they shall plant vineyards, and eat the fruit of them.22 They shall not build, and another inhabit; they shall not plant, and another eat: for as the days of a tree are the days of my people, and my elect shall long enjoy the work of their hands.23 They shall not labor in vain, nor bring forth for trouble; for they are the descendants of the blessed of the LORD, and their offspring with them.24 And it shall come to pass, that before they call, I will answer; and while they are yet speaking, I will hear.25 The wolf and the lamb shall feed together, and the lion shall eat straw like the ox: and dust shall be the serpent's food. They shall not hurt nor destroy in all my holy mountain, says the LORD.