Pular para o conteúdo
Publicidade

Adoração

Por Bíblia Online

A adoração é a resposta do coração humano à majestade de Deus. Deus é Espírito e importa que os que o adoram o adorem em espírito e em verdade — com todo o ser.

Adorar em espírito

Deus é Espírito e importa que os adoradores o adorem em espírito e em verdade. A adoração verdadeira brota do coração.

Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."

Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya. Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."

Sinabi ni Hesus sa kanya, "Maniwala ka sa akin; darating ang panahon na hindi na kayo sasamba sa Ama sa bundok na ito o sa Jerusalem. Kayong mga Samaritano ay hindi nakakakilala sa sinasamba ninyo. Ngunit kaming mga Hudyo, kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa amin. Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya.

Sinabi agad ng lalaki, "Panginoon, sumasampalataya po ako sa inyo." At lumuhod siya at sumamba kay Hesus.

Ngunit sumagot si Hesus, "Lumayas ka, Satanas! Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran."

Ngunit sumagot si Hesus, "Sinasabi sa Kasulatan, Sambahin mo ang Panginoon na iyong Diyos at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.’ "

Handog na Buháy

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya.

Handog na Buháy

Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Diyos, na ialay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buháy, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Sapagkat ang lahat ng bagay ay sa kanya nagmula,

at nabubuhay dahil sa kanyang kapangyarihan

at para sa kanyang kaluwalhatian.

Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen.

Sapagkat sinasabi sa Kasulatan:

"Ako, ang Panginoon na buháy ay sumusumpa,

darating ang araw na ang lahat ng tao

ay luluhod sa akin at kikilalanin akong Diyos."

Louvor e reverência

Vinde, adoremos e prostremo-nos. Louvai ao Senhor! Todo ser que respira louve o nome glorioso do Senhor.

Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

sa Panginoon na lumikha sa atin.

Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

sa Panginoon na lumikha sa atin.

Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.

Purihin siya sa langit,

ang kanyang matibay na tirahan.

Purihin siya dahil

sa kanyang mga dakilang mga gawa.

Purihin siya dahil sa kanyang

kapangyarihang walang kapantay.

Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!

Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!

Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin

at sumayaw.

Purihin siya sa tugtog

ng mga instrumentong

may kuwerdas at mga plauta.

Purihin siya sa matutunog

na mga pompyang.

Purihin siya sa mga taginting nito.

Ang lahat ng may buhay

ay magpuri sa Panginoon.

Purihin ang Panginoon!

Ang lahat ng may buhay

ay magpuri sa Panginoon.

Purihin ang Panginoon!

Pumasok kayo sa kanyang Templo

nang may pagpapasalamat at pagpupuri.

Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.

Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

Kayong mga tao sa buong mundo,

isigaw ninyo ang inyong papuri sa Diyos

nang may kagalakan.

Umawit kayo ng mga papuri para sa kanya.

Parangalan ninyo siya sa pamamagitan

ng inyong mga awit.

Sabihin ninyo sa kanya,

"O Diyos, kahanga-hanga ang inyong mga gawa!

Dahil sa inyong dakilang kapangyarihan,

luluhod ang inyong mga kaaway sa takot.

Ang lahat ng tao sa buong mundo

ay sasamba sa inyo

na may awit ng papuri."

Humingi ako sa kanya

ng tulong habang nagpupuri.

Ang lahat ng bansa na inyong ginawa,

ay lalapit at sasamba sa inyo,

Panginoon.

Pupurihin nila ang inyong pangalan.

Sapagkat makapangyarihan kayo

at ang mga gawa nʼyo

ay kahanga-hanga.

Kayo ang nag-iisang Diyos.

Pupurihin ko ang Panginoon!

Buong buhay kong pupurihin

ang kanyang kabanalan.

Pasalamatan nʼyo ang Panginoon.

Sambahin nʼyo siya!

Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa.

O Diyos, kayo ang aking Diyos.

Hinahanap-hanap ko kayo.

Nananabik ako sa inyo nang

buong pusoʼt kaluluwa,

tulad ng lupang tigang sa ulan.

Akoʼy magpupuri sa inyo,

sapagkat ang inyong wagas na pag-ibig

ay mas mainam pa kaysa buhay.

Pasasalamatan ko kayo

habang akoʼy nabubuhay.

Itataas ko ang aking mga kamay

sa paglapit sa inyo.

Declarações de adoração

Tu és digno, Senhor, de receber glória e honra! Ao Senhor pertence a grandeza, o poder, a glória e a majestade.

"Karapat-dapat po kayo Panginoon naming Diyos

na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan,

sapagkat kayo ang lumikha ng lahat ng bagay.

At ginawa ninyo ang mga ito

ayon sa inyong kagustuhan."

Ito ang isinisigaw niya, "Matakot kayo sa Diyos, at purihin ninyo siya, dahil dumating na ang oras ng paghatol niya ang lahat. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat at mga bukal."

Sino ang hindi matatakot sa inyo, Panginoon?

Sino ang hindi magbibigay luwalhati sa inyong pangalan?

Kayo lamang ang banal.

Lalapit at sasamba sa inyo

ang mga tao sa lahat ng bansa,

sapagkat nakita na ng lahat

ang matuwid ninyong gawa."

Akong si Juan ang nakarinig at nakakita ng lahat ng ito. Matapos kong marinig at makita ang lahat ng ito, nagpatirapa ako upang sumamba sa anghel na nagpakita sa akin ng mga ito. Ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag! Huwag mo akong sambahin. Sapagkat katulad mo, alipin din ako ng Diyos at ng mga katulad mong propeta, at ng lahat ng sumusunod sa mga nakasulat sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!"

Sa inyo Panginoon ang kapangyarihan at kadakilaan

ang kapurihan, katagumpayan at karangalan!

Sapagkat sa inyo ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa.

Kayo ang hari, O Panginoon, at higit kayo sa lahat!

Magpasalamat kayo sa Panginoon

dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang pag-ibig

ay walang hanggan.

Manalangin kayo, "Iligtas nʼyo kami,

O Diyos na aming Tagapagligtas;

tipunin nʼyo po kami

at palayain nʼyo po kami sa mga bansa,

upang makapagpasalamat at makapagbigay kami

ng papuri sa inyong kabanalan."

Purihin ang Panginoon,

ang Diyos ng Israel, magpakailanman.

At ang lahat ay magsabing, "Amen!" Purihin ninyo ang Panginoon!

Magpasalamat kayo sa Panginoon

dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang pag-ibig

ay walang hanggan.

Awitan nʼyo siya ng mga papuri;

ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa.

Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,

upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri

ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,

sa ikapupuri ng Diyos Ama.

Sacrifício de louvor

Por meio de Jesus ofereçamos sempre sacrifício de louvor. Cantai ao Senhor, celebrai em salmos — enchei-vos do Espírito.

Kaya patuloy tayong maghandog ng papuri sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Itoʼy ang mga handog na nagmumula sa mga labi natin at nagpapahayag ng pagkilala natin sa kanya.

Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, dahil kapag nagparusa ang ating Diyos, itoʼy parang apoy na nakakatupok.

Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.

Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.

Nang maghahatinggabi na, nananalangin at umaawit ng mga papuri sa Diyos sina Pablo at Silas. Nakikinig naman sa kanila ang ibang mga bilanggo.

Papuri sa Diyos na Nagpapalakas ng Loob

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.

Ipinapahayag namin sa inyo ang aming nakita at narinig upang maging kaisa namin kayo sa pakikiisa namin sa Ama at sa kanyang Anak na si Hesu-Kristo.

Adoração como vida

Exaltai ao Senhor, prostrai-vos ante o escabelo dos seus pés. A adoração genuína transforma o adorador e agrada o Criador.

Purihin ang Panginoon na ating Diyos.

Sambahin siya sa kanyang trono.

Siya ay banal!

Maghapon ko kayong pinapupurihan

dahil sa inyong kahanga-hangang kagandahan.

Awitan ninyo ang Diyos,

awitan ninyo siya ng mga papuri.

Purihin nʼyo siya, na siyang may hawak sa mga ulap.

Ang kanyang pangalan ay Panginoon.

Magalak kayo sa kanyang harapan!

Ang Diyos na nasa kanyang banal na tahanan

ang siyang nangangalaga sa mga ulila

at tagapagtanggol ng mga biyuda.

Pinasasalamatan ko kayo Panginoon,

sapagkat matuwid kayo.

Aawitan ko kayo ng mga papuri,

Kataas-taasang Panginoon.

Ikukuwento ko sa mga kababayan ko

ang lahat ng tungkol sa inyo.

At sa gitna ng kanilang pagtitipon,

kayo ay aking papupurihan.

Kayong may takot sa Panginoon,

purihin ninyo siya!

Kayong mga lahi ni Jacob na siyang bayan ng Israel,

parangalan ninyo siya

at matakot kayo sa kanya!

Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo

at nanalangin,

kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa

na uhaw sa tubig.

Bakit nga ba ako nalulungkot

at nababagabag?

Dapat magtiwala ako sa inyo.

Pupurihin ko kayong muli,

aking Diyos at Tagapagligtas!

Sinabi ko sa Panginoon,

"Kayo ang aking Panginoon.

Lahat ng kabutihang nakamtan ko

ay mula sa inyo."

Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,

at magalak kayo sa kanya.

Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos

akoʼy magsasaya.

Magagalak ako at aawit

ng mga papuri para sa inyo.

Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.

Falsa adoração

Não terás outros deuses diante de mim. Não adorarás ídolos. A adoração exclusiva ao Senhor é mandamento inegociável.

Huwag ninyong paglilingkuran o sasambahin ang mga ito, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos ay mapanibughuin. Pinaparusahan ko ang mga nagkakasala sa akin, pati na ang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na henerasyon ng mga napopoot sa akin.

Hindi kayo dapat magkaroon ng ibang diyos maliban sa akin. Dahil ako, ang Panginoon, Mapanibugho ang pangalan ko at ayaw kong may kaagaw sa inyong pagsamba.

At habang naroon si Moises sa loob, bumababa ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda habang nakikipag-usap ang Panginoon sa kanya. At kapag nakita ng mga tao ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda, tumatayo sila at sumasamba sa Panginoon sa may pintuan ng tolda nila.

"Ang Panginoon ang nagbibigay sa akin ng lakas,

at siya ang aking awit.

Siya ang nagligtas sa akin.

Siya ang aking Diyos, at pupurihin ko siya.

Siya ang Diyos ng aking ama, at siyaʼy aking itataas.

O Panginoon, sino po ba ang diyos na katulad nʼyo?

Wala kayong katulad sa kabanalan at kapangyarihan.

Kayo lang po ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan!

Sambahin ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, at bibiyayaan ko kayo ng masaganang pagkain at tubig. Pagagalingin ko ang inyong mga karamdaman,

Purihin ninyo siya, dahil siya ang Diyos ninyo na gumawa ng dakila at kamangha-manghang bagay na nakita ninyo.

Doon kayo kumain at ang inyong pamilya sa harapan ng Panginoon na inyong Diyos, at magsaya kayo sa lahat ng inyong nagawa dahil pinagpala kayo ng Panginoon.

Pinagselos nila at ginalit ang Panginoon

dahil sa kanilang pagsamba sa mga diyos na kasuklam-suklam.

Naghandog sila sa mga demonyo na hindi tunay na Diyos,

mga diyos na hindi nila kilala

at kailan lamang lumitaw,

at hindi iginalang ng kanilang mga ninuno.

Kinalimutan nila ang Diyos na Batong kanlungan

at lumikha sa kanila.

Mag-ingat kayo dahil baka matukso kayong lumayo sa Diyos at sumamba sa ibang mga diyos at maglingkod sa kanila.

Sinabi ng Panginoon,

"Sa salita lamang lumalapit

sa akin ang mga taong ito,

sa labi lamang ako iginagalang,

ngunit ang kanilang

mga pusoʼy malayo sa akin.

Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;

pawang tuntunin ng tao

ang kanilang katuruan.

Purihin ang Panginoon

Panginoon, kayo ang aking Diyos!

Pupurihin kita at pararangalan

ang iyong pangalan,

sapagkat wagas ang iyong katapatan,

ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga,

mga gawang binalak mo

noong unang panahon.

Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta:

Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay

ng mga alay na hayop at mga handog

sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?

Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda

ng inyong diyos-diyosan na si Molec,

at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan.

Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin.

Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia."

Huwag kayong padadaya sa mga taong nanghihikayat na kailangan ninyong pagkaitan ang sarili nʼyo at sambahin ang mga anghel. Pinaninindigan nila ang mga ito dahil sa mga pangitain nila na pagyayabang lang, walang kabuluhan, at gawa-gawa lang ng makamundo nilang pag-iisip. Wala silang kaugnayan kay Kristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Diyos.

Huwag kayong magpalinlang sa kanila sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hanggaʼt hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Diyos, at hindi pa lumilitaw ang suwail na tao na itinalaga sa walang hanggang kapahamakan. Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na diyos ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng Templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.

Exemplos de adoração

Jó adorou em meio ao sofrimento. Esdras adorou na restauração. Paulo e Silas adoraram na prisão — e Deus respondeu.

Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa upang sumamba sa Panginoon. Sinabi niya,

"Ipinanganak akong walang dala

at mamamatay din akong

walang dala.

Ang Panginoon ang nagbigay

ng lahat ng mayroon ako

at ang Panginoon din

ang kumuha ng mga ito.

Purihin ang pangalan ng Panginoon!"

Nagpuri sila at nagpasalamat habang umaawit sa Panginoon:

"Napakabuti ng Panginoon,

dahil ang pag-ibig niya sa Israel ay walang hanggan."

At sumigaw nang malakas ang lahat ng tao sa pagpupuri sa Panginoon dahil nailagay na ang pundasyon ng bahay ng Panginoon.

Kaya ngayon, akong si Nebucadnezar ay pinupuri at pinararangalan ang Hari ng langit, dahil matuwid at tama ang lahat niyang ginagawa at ibinabagsak niya ang mga mapagmataas."

"Tunay na napakadakila ninyo, Makapangyarihang Panginoon. Wala po kayong katulad. Walang ibang Diyos maliban sa inyo at wala rin kaming ibang alam na diyos na gaya ninyo.

"Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon;

wala kayong katulad;

walang Batong kanlungan

na tulad mo aming Diyos.

At sinabi ng mga Levitang sina Jeshua, Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, "Tumayo kayo at purihin ang Panginoon na inyong Diyos na walang hanggan!" Pagkatapos ay nanalangin sila:

"O Panginoon, kapuri-puri po ang inyong dakilang pangalan! Hindi ito mapapantayan ng anumang pagpapala at pagpupuri.

Kahit hindi mamunga

ang mga puno ng igos, ubas,

o ang kahoy ng olibo,

at kahit walang anihín sa mga bukirin,

at kahit mamatay ang mga alagang hayop

sa kanilang mga kulungan,

magagalak pa rin ako

sapagkat ang Panginoong Diyos

ang nagliligtas sa akin.

Kung magkagayon, tatawag at mananalangin kayo sa akin, at diringgin ko kayo.

Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.

Seja o primeiro