Pular para o conteúdo
Publicidade

Isaias 29

Ang Mensahe tungkol sa Jerusalem

1 Nakakaawa ang Jerusalem29:1 Jerusalem: Sa literal, Ariel, na isang tawag sa lungsod na ito.,

ang lungsod kung saan

nanirahan si !

Sige, hayaang ipagdiwang

sa bawat taon

ang kanyang mga pista.

2 Ngunit lulusubin ko ito,

at mag-iiyakan at mananaghoy

ang kanyang mga mamamayan.

Itoʼy magiging parang altar

na puno ng dugo29:2 altar na puno ng dugo: Sa Hebreo, Ariel. sa akin.

3 Kukubkubin ko ang lungsod ng .

Paliligiran ko ito ng toreng panalakay

at patatambakan ng lupa

sa gilid ng mga pader

para maakyat ito.

4 Ibabagsak ka nang tuluyan

at sa ibabaw ng lupa ka magsasalita;

sa alikabok magmumula

ang iyong mga bulong.

Ang tinig moʼy tila multong

manggagaling sa kailaliman ng lupa,

sa alikabok ang salita moʼy

parang huni ng ibon.

5 Ngunit darating ang araw

na ang marami niyang malulupit na kaaway

ay magiging parang alikabok

o ipa na tatangayin ng hangin.

Bigla itong mangyayari sa kanila.

6 Ang Jerusalem ay aalalahanin ko,

at ako ang Panginoon ng mga Hukbo,

ay darating na may kulog, lindol, ingay,

buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy.

7 Ang maraming bansang kumakalaban

sa Jerusalem,

na sumasalakay sa kanya

at gumigiba sa kanyang tanggulan

ay mawawalang katulad

ng isang panaginip

o ng isang pangitain sa gabi.

8 Katulad sila ng taong nanaginip na kumakain,

ngunit nang magising ay gutom pa rin;

katulad ng taong nanaginip na umiinom,

ngunit nang magising ay uhaw pa rin.

Ganoon ang sasapitin ng lahat

ng mga bansang

kumakalaban sa .

9 Magugulat kayo at mamamangha,

magpakabulag at tuluyang

hindi makakita.

Malalasing kayo,

ngunit hindi dahil sa ubas,

at magsusuray-suray,

ngunit hindi dahil sa alak.

10 Sapagkat para kayong pinatulog

ng Panginoon nang mahimbing.

Ipinikit niya ang mata ng inyong mga propeta;

tinakpan niya ang ulo

ng inyong mga manghuhula.

11 Para sa inyo, ang buong pangitaing ito ay parang mga salita ng isang kasulatang natatakan. Kapag ibinigay mo ito sa marunong bumasa para basahin, sasabihin niya, "Hindi ko iyan mabasa dahil iyan ay natatakan." 12 At kapag ibinigay mo naman ito sa hindi marunong bumasa, sasabihin niya, "Hindi ako marunong bumasa."

13 Sinabi ng Panginoon,

"Sa salita lamang lumalapit

sa akin ang mga taong ito,

sa labi lamang ako iginagalang,

ngunit ang kanilang

mga pusoʼy malayo sa akin.

Ang pagsamba nila sa akiʼy walang kabuluhan;

pawang tuntunin ng tao

ang kanilang katuruan.

14 Kaya muli kong ipapamalas

sa mga taong ito

ang sunod-sunod na kababalaghan.

At maglalaho ang karunungan

ng marurunong,

at mawawalang-saysay ang katalinuhan

ng mga matatalino."

15 Nakakaawa kayong mga nagtatago

sa Panginoon ng inyong mga plano.

Ginagawa ninyo ang inyong mga gawain sa dilim

at sinasabi ninyo,

"Walang makakakita o makakaalam

ng ginagawa natin."

16 Baluktot ang inyong pag-iisip.

Itinuturing ninyong parang putik

ang magpapalayok.

Masasabi ba ng isang gawa

sa gumawa sa kanya,

"Hindi ikaw ang gumawa sa akin?"

Masasabi ba ng palayok

sa magpapalayok,

"Hindi mo alam ang iyong ginagawa?"

17 Hindi magtatagal,

ang mga kagubatan ng

ay magiging matabang lupain,

at ang matabang lupain

ay magiging kagubatan.

18 Sa araw na iyon, ang bingi

ay makakarinig ng binabasang aklat.

At ang bulag, na walang nakikita

kundi kadiliman

ay makakakita na.

19 Muling sasaya ang mga mapagpakumbaba

at mga dukha dahil sa Panginoon,

ang Banal na Diyos ng Israel.

20 Sapagkat mawawala ang mga malulupit

at ang mga nangungutya.

At mamamatay ang lahat

ng mahilig sa pagkakasala,

21 pati na ang lahat ng naninira ng kapwa,

ang mga nagsisinungaling

para mapaniwala nila ang mga hukom,

at ang mga pekeng saksi

upang hindi mabigyan ng katarungan

ang mga walang kasalanan.

22 Kaya ang Panginoon, ang Diyos na nagligtas kay ay nagsabi tungkol sa lahi ni ,

"Mula ngayon ang bayang ito

ay wala nang dapat ikahiya o ikatakot man.

23 Sapagkat kapag nakita nila

ang mga ginawa ko sa kanila,

igagalang nila ako,

ang Banal na Diyos ni Jacob.

At magkakaroon sila ng takot sa Diyos ng Israel.

24 Ang mga hindi nakakaunawa

ng katotohanan ay makakaunawa na,

at ang mga nagrereklamo

kapag tinuturuan ay matutuwa na."

Pessoa
Tribo de Judá
Davi
דָוִֽדdavidΔαυιδDauid
Davi, filho de Jessé, era pastor em Belém quando Samuel o ungiu; venceu Golias, reinou sobre Israel em Jerusalém e escreveu muitos dos salmos (1 Samuel 16:13).
Significado: “Amado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Sião
Hoje: Monte Sião, Jerusalém
יְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaimἹερουσαλήμHierousalēm
Monte Sião é o monte onde habita o Senhor dos Exércitos. De Jerusalém e desse monte sairão sobreviventes (2 Reis 19:31).
31,77° N, 35,23° L
Citado em 25 versículosTb.: Sião
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Líbano
Hoje: Jezzine
לְבָנוֹןlevanon
O Líbano é uma terra de montanhas e cedros, de onde se cortava madeira com a ajuda dos sidônios e onde Salomão construiu o que quis, além de Jerusalém e do resto de seu domínio (1 Reis 9:19).
33,54° N, 35,58° L
Citado em 57 versículos
Ver página completa
Pessoa
H85
Abraão
אַבְרָהָ֔םavərahamΑβρααμAbraam
Abraão, chamado por Deus, deixou a sua terra rumo a Canaã, recebeu a promessa de ser pai de muitas nações e foi pai de Isaque, o filho da promessa (Gênesis 12:1).
Significado: “Pai de uma multidão”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Todos os capítulos de Isaias 66
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.