1 Naghahari ang Panginoon
at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.
Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot
at ang mundoʼy nayayanig.
2 Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,99:2 Zion: O Jerusalem.
dinadakila siya sa lahat ng bansa.
3 Magpupuri ang mga tao sa kanya
dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Siya ay banal!
4 Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.
Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan.
Ang ginagawa niya sa Israel99:4 Israel: Sa Hebreo, Jacob.
ay matuwid at makatarungan.
5 Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang trono.99:5 trono: Sa literal, tuntungan ng paa.
Siya ay banal!
6 Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,
at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.
Tumawag sila sa Panginoon
at tinugon niya sila.
7 Nakipag-usap siya sa kanila
mula sa ulap na parang haligi;
sinunod nila ang mga katuruan
at tuntunin na kanyang ibinigay.
8 Panginoon naming Diyos,
sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.99:8 ng inyong mga mamamayan: Sa Hebreo, nila; Maaari ding sina Moises, Aaron at Samuel ang tinutukoy gaya ng nakasulat sa talata 6|PSA 99:6.
Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad
kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
9 Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,
dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.