24 at pagkatapos niyang magpasalamat sa Diyos, hinati-hati niya ito at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin." 25 Pagkatapos nilang kumain, ganoon din ang ginawa niya sa kopa. Kinuha niya ito at sinabi, "Ang kopang ito ang bagong kasunduang pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-alaala sa akin." 26 Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang pagbabalik.
27 Kaya nga, ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang hindi nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28 Kailangang suriin ng bawat isa ang kanilang sarili bago kumain ng tinapay at uminom sa kopa.