Publicidade

1 Coríntios 12

7 May mga kakayahang ipinagkaloob sa bawat isa sa atin na nagpapakita na nasa atin ang Espiritu, at ang mga itoʼy palaging para sa kapakinabangan ng buong iglesya. 8 Sa isaʼy ipinagkaloob ng Espiritu ang kakayahang magsalita nang may karunungan, at sa isa naman ay ang kakayahang magpaliwanag nang may kaalaman. 9 Ang ibaʼy pinagkalooban ng dakilang pananampalataya sa Diyos, at ang iba naman ay binigyan ng kakayahang magpagaling ng mga maysakit. Galing sa iisang Espiritu ang lahat ng ito. 10 Ang ibaʼy pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala, at ang iba namaʼy binigyan ng kakayahang magpropesiya. Mayroon namang pinagkalooban ng kakayahang makilala kung alin ang galing sa Espiritu. Sa ibaʼy ipinagkaloob ang kakayahang magsalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at sa iba naman ay ang kakayahang maipaliwanag ang sinasabi sa mga wikang iyon. 11 Ngunit iisang Espiritu lamang ang nagbigay ng lahat ng ito, at ipinamamahagi niya sa bawat tao ayon sa kanyang kagustuhan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-