6 Si Hesu-Kristo ang pumarito sa mundo sa pamamagitan ng tubig nang magpabautismo siya at sa pamamagitan ng dugo nang mamatay siya. Hindi lang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. At ang mga bagay na itoʼy pinatotohanan sa atin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.