Papuri sa Diyos na Nagpapalakas ng Loob
3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. 4 Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap. 5 Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob. 6 Kung naghihirap man kami, itoʼy upang mapalakas ang inyong loob, at upang kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Diyos ang aming loob, itoʼy upang mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin. 7 Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Diyos ang inyong loob tulad ng sa amin.