10 Kaya nagdesisyon siyang huwag na lang dalhin sa lungsod niya6:10 lungsod niya: Sa Hebreo, lungsod ni David. Ganito rin sa talata 12|2SA 6:12 at 16|2SA 6:16. ang Kahon ng Panginoon. Iniwan na lang niya ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat. 11 Nanatili ang Kahon ng Panginoon sa bahay ni Obed-edom sa loob ng tatlong buwan, at pinagpala siya ng Panginoon, maging ang buo niyang sambahayan.
12 Ngayon, nabalitaan ni Haring David na pinagpala ng Panginoon ang sambahayan ni Obed-edom at ang lahat ng pag-aari nito dahil sa Kahon ng Diyos. Kaya pumunta siya sa bahay nito at kinuha ang Kahon ng Diyos at dinala sa Jerusalem nang may kagalakan.