12 Ang lungsod ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader, na may labindalawang pintuan, at bawat pintuan ay may tagapagbantay na anghel. Nakasulat sa mga pintuan ang pangalan ng labindalawang lahi ng Israel. 13 Tatlo ang pinto sa bawat panig ng pader: tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran. 14 Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.
Publicidade