9 Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
10 Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila 11 at nagsabi, "Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik."