Publicidade

Atos 13

1 Doon sa Antioquia ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucio na taga-Cirene, Manaen (na kababata ni Herodes na pinuno ng Galilea), at si Saulo. 2 Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, "Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, para sa natatanging gawaing inilaan ko sa kanila." 3 Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay kina Bernabe at Saulo at saka sila pinaalis.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-